MEETING WITH BUS COMPANIES AND BUS STOPS OWNERS/REPRESENTATIVES
06 January 2023 – Ngayong araw ay nakipagpulong ang ating Municipal Mayor Remelina Peros-Galam sa mga buses na dumaraan sa Aritao at sa mga bus stop owners at representatives sa naturang bayan. Kasama sa meeting si Municipal Councilor Cyprus Will Cardenas na syang may hawak ng Committee on Transportation, naroon rin ang mga myembro ng Aritao Central Terminal Board.
Layunin ng pagpupulong na ayusin ang proseso at pamamaraan ng pagbyahe sa ating bayan, at upang maaksyonan ang mga issues at concerns hingil sa mga buses.
Nabanggit sa pagpupulong na lahat ng buses tulad ng Victory, Florida, Road Master, EMC, Partas, Five Star, at iba pa ay iikot sa ating terminal upang magbaba at magsakay ng pasahero.